Medyo mahaba pila sa MERALCO today. Tapos may eksena pa.
Well medyo mahaba pila talaga both sa REGULAR lane at sa SENIOR lane. Pero mas mabilis ang process sa regular lane kasi 4 ang tellers. Habang sa senior lane 1 dedicated teller lang. Marami sa mga seniors na nakapila ay nakatayo na. So naturally may nakapansin na senior at nagreklamo at nagsusuggest na madagdagan ang teller kaso syempre senior na matagal na nakapila so medyo galit ang pagkakasabi n'ya.
THE SAD PART IS: Yun teller ng senior imbes na i address ang issue ay tumayo at nag rason na isa lang talaga ang linya para sa senior at mag antay na lang na tawagin - so parang walang choice talaga. Ganun din yun guards nirarason nya na pareho naman mahaba.
THE SADDER PART IS: I can hear people sa regular lanes murmuring na kung gusto daw ni tatang na mabilis e sa regular lane sya pumila or pumunta sya ng maaga kung ayaw nya ng mahabang pila. Tapos pinagtatawanan pa sya.
#1: Hindi po pinapatupad ang SENIOR AND PWD LANES para pang DISCRIMINATE. It's primary purpose is to provide convenience to the elderly and PWDs. If di sya nagbibigay ng convenience then it's useless!
#2: MERALCO should train their personnels to be more compassionate or at least have the brains (or heart) to address situations accordingly. Wala na po bang ibang paraan talaga?
So I politely suggested to one of the tellers na why not assigning 1 more lane to the seniors muna hanggang maging manageable lang ang pila, yun lahat sila nakakaupo na. Bale magiging 3:2 ang ratio muna. Tapos balik ulit sa regular pag ok na. Not sure kung nakinig. Kasi mukhang lahat ata sila ayaw ma assign sa SENIOR LANE.
Nakakalungkot.
Sa isip-isip ko, TATANDA RIN KAYO LAHAT.
Comments
Post a Comment