Dahil sa dami ng lamunan na nangyari noong nakaraang pasko at bagong taon, naisipan naming mag jogging kaninang umaga.
Usually sa Luneta lang kami, pero dahil matinding bigat ang kailangan malagas, we decided to take the road less traveled...
Mula sa Paco ay nilakad namin ang Roxas Boulevard, galing sa Padre Faura patungo sa CCP.
Nakakamiss din mag jogging sa Manila Bay area at siguro matatagalan ulit kaming makabalik doon dahil sa mga nakita namin.
Nakakahiya naman sa titulong "Isa sa pinaka-magandang sunset sa buong mundo" pero hindi mo naman ma-feel na magtagal sa bay area kasi...
1. Ang sasalubong agad sa yo ay sandamakmak na samut-saring dumi ng hayop at tao. Isipin mo na lang na para kang nag jo-jogging noong panahon ng giyera na bawat daanan mo ay may landmines.
2. Ginawa na rin palang libreng apartment ng mga streetdwellers ang buong baywalk kaya naman kahit saan ka tumingin ay may mga natutulog at bawat sulok ay amoy CR.
3. At kaya naman pala ang daming basura, e madami ring mga illegal vendors.
Habang nagjo-jogging kami kanina, may mga hapon din na namamasyal. Bilang Pilipino parang bigla ako nahiya.
Ang hirap ipagmalaki.
Alam ko na may mag-cocomment na matagal ng problema ng Manila Bay Walk yan. At totoo naman yun.. So, ang tanong e bakit nangyayari pa rin hanggang ngayon?
Kung tutuusin, simple lang naman ang solusyon, mag talaga ng mga pulis o gwardiya na magdidisiplina sa mga tao at magpapatupad ng kalinisan at kaayusan sa lugar ng Manila Bay.
Kailangan pa ba ibenta at ipaubaya sa SM o mga Ayala ang buong Bay Walk para lang maisaayos ang lahat?
E ano ginagawa ng lungsod ng Maynila at ng gobyerno?
Inutil lang? Wag naman sana!

Comments
Post a Comment