Tuesday, December 31, 2019

What the Rain Wrote in December 2019

O eto, ano ginagawa ng bulkan pag wala na maisuot na damit?

- e di, nag la Lava 🤘


Dec 8

Paalala ni Father kanina:

"iPhone kayo ng iPhone, kumusta naman po ang inyong iPon?"

Dec 9

When I was younger, sometimes I've believed as many as six impossible things before breakfast

Dec 11

Ang dami na naman hocus pocus sa DoTr at LTFRB, kaya tayo di umuunlad e, bulsa lagi inuuna e. Di ba kayo maka-survive ng walang ginagatasan?

Dec 18

While Checking My eMails:

Gusto ko sana pagbigyan kasi season of giving naman kaso ang greeting ba naman e "Miss Rain" - Mrs na po ko!

Dec 19

In 6 Days Pasko Na!

Ingat po sa mga kanto-kanto, Christmas Party na ng mga mandurukot, magdedelhensya na ng pang exchange gift

Dec 20

PAALALA SA MGA BI-BYAHE:
App-based na po ang holdapan ngayon - Mag-ingat po sa grupo ng GRAB

******

Wala ng nangangaroling sa Maynila ngayon - puro shoebox kids ang nagkalat. Never na ako nagbibigay sa nga ganyan!👎

*******

Mga kids iba po ang KAROLING sa PAMAMALIMOS! Sa mga magulang ng mga batang ito - mahiya naman po sana kayo sa ginagawa ng mga anak nyo! Never ko tuturuan mamalimos ang mga anak ko! 😕😕😕

Dec 21

Nakaka-depress naman ang playlist ng grab ride ko na to! Christmas Songs nga kaso naman:

🙁 Pasko Na Sinta ko
😢 Sana Ngayong Pasko
😭 Miss Kita Kung Christmas
😭😭 Sa Araw Ng Pasko

AND IN THAT ORDER!!! 😭😭😭

Sana masaya na yun next kasi wala ko tissue.

Dec 30

Bakit pag may nababasa ako na alleged na "anomalya" e lagi ko nakikita ang pangalan ni Bong Go 🤔 Malas ba siya o Malas tayo?

Dec 31

STILL LIFE

Miss ko na yun mga STILL LIFE oil paintings (hindi prints) ng fruits na usually naka sabit sa mga kitchen walls. Wala na ko nakikita na ganun.

Dream kitchen ko yun brick ang walls, painted in sunny yellow adorned by still life paintings of fruits, vegetables and beautiful country landscapes (medyo sophisticated ang pagkaka-bigkas dapat) 😁

*******

I therefore conclude,

Kapag nababawasan ang budget nadadagdagan ang timbang. ZERO na laman ng banko ko, pero DOBLE na baba ko this year. So, congrats sa mga nangayayat ng todo dyan - pa cheeseburger naman kayo. 👏😁

Tuesday, December 17, 2019

Bakit Daw Parang Wala Ako Kaaway?

ASK THE RAIN

Someone asked me - Bakit daw parang wala ako kaaway?

Sabi ko, meron ata kaso di ko lang alam 🤣

Mas healthy kasi kung madami friends kaysa enemies 😊😊😊

Also, I don't really have enemies because I consider everyone as friends - true story!✌️Some are just temporarily disconnected - babalik din yun... third world country kasi tayo, mabagal networks. 😁

I just hope that those who also call me friend is a real friend. Kasi nakakaawa naman, ang hirap kaya maging plastic, ang bigat dalhin nun... pwede ka magka-cancer. 🙏

Also, to those who don't really like me at all. It's okay... wala namang contest at wala ring prize para sa most liked. Nabibili na pati mga likes ngayon, at least yun sa kin organic at cancer-free, I think 😁😁👍

#AskTheRain

Friday, December 13, 2019

Thoughts on TRAPIK habang naiipit sa TRAPIK

Thoughts on TRAPIK habang naiipit sa TRAPIK

Simple lang take ko dito kasi di naman ako kasing talino ng mga tao na nasa gobyerno.

Ang problema TRAPIK. Puno na ang kalsada. Disiplina din, pero mas dun sa sobrang dami na talaga ng mga gumagamit ng kalsada. Korek?

Pero bakit parang ang focus ng mga tao sa gobyerno e magdagdag lang ng magdagdag. Parang may mali ata!



TRAPIK?
👉 Dagdag pa tayo ng mga makabagong jeep - para mawala na luma?
👉 Dagdag pa tayo TNVS players - para may ka kompitensya si Grab?
👉 Dagdag pa tayo ng mga Habal-Habal - para may ka kompitensya si Angkas?
👉 Dagdag pa tayo ng mga tao - import tayo sa China?

So, puno na nga di ba, nagdagdag ka pa - e di ba aapaw na?

So ang pinaka-solusyon ng mga matatalino sa gobyerno?

👉 E di magdagdag na lang tayo ng mga daan na nakalutang.

👉 Magdagdag ng lupa sa dagat gaya nun kinatatayuan ng MOA.

Bakit ba dagdag lang ng dagdag at tila bawal ang magbawas?

Ano rason nila: E kasi sa dami ng mga tao, kulang pa rin daw ang pampublikong sasakyan kaya kailangan magdagdag. Kaya naman pag natapos na ang mga dagdag na daan, kulang na ulit yan kasi nadagdagan na naman ang mga gagamit ng kalsada. Ulit na naman. Magaling di ba? Resibo. Ka-Ching!

Simple lang din pang-unawa ko dyan. Pag nagbawas sila - bawas din ang kita. Ninipis ang kanilang mga bulsa.

Pag nagdadag sila - Dagdag din kita! Happy ang mga tao sa gobyerno at mga negosyante. Masaya lagi ang pasko.

👉 Magkano kaya resibo sa mga skyway projects na yan at sa mga bagong prangkisa?

So sino pa rin kawawa? E di ang mga taong naiipit sa TRAPIK araw-araw! Manggagawa at mga Estudyante, lalo na yun mga umaasa lang sa public transportation.

Mga pulitiko at bilyonaryo? E naka-kotse, naka-wangwang, naka-escort, naka-helicopter? Wa-pakels mga yan!

Baka sabihin nyo puro ako reklamo, wala naman suggestion. O eto ang isa.

Tutal umuutang at gumagastos na din naman tayo at nababaon sa trapik dahil sa dami ng build build build projects na yan. Bakit imbes na ang i build build build ay mga daan, e sana mass transit system na lang o yun train system ang i-prioritize sa buong Mega Manila at pati na rin sa mga karatig na probinsya. Sama na rin natin ang Ferry System.

Pag karamihan nasa tren na at nasa ferry, e di mababawasan na ang pangangailangan ng sasakyan sa kalsada. Bawas kita sa iilang mga bulsa pero ika-uunlad at ika-giginhawa naman ng karamihan.

Minsan kasi simple lang ang solusyon, ginagawang kumplikado kasi inuunang iniisip ang mga kanya-kanyang bulsa kaysa sa ikagaganda at ika-aayos ng bansa.

Yun lang po. Para! 😁

#CommuterRain