Thoughts on TRAPIK habang naiipit sa TRAPIK
Simple lang take ko dito kasi di naman ako kasing talino ng mga tao na nasa gobyerno.Ang problema TRAPIK. Puno na ang kalsada. Disiplina din, pero mas dun sa sobrang dami na talaga ng mga gumagamit ng kalsada. Korek?
Pero bakit parang ang focus ng mga tao sa gobyerno e magdagdag lang ng magdagdag. Parang may mali ata!
TRAPIK?
👉 Dagdag pa tayo ng mga makabagong jeep - para mawala na luma?
👉 Dagdag pa tayo TNVS players - para may ka kompitensya si Grab?
👉 Dagdag pa tayo ng mga Habal-Habal - para may ka kompitensya si Angkas?
👉 Dagdag pa tayo ng mga tao - import tayo sa China?
So, puno na nga di ba, nagdagdag ka pa - e di ba aapaw na?
So ang pinaka-solusyon ng mga matatalino sa gobyerno?
👉 E di magdagdag na lang tayo ng mga daan na nakalutang.
👉 Magdagdag ng lupa sa dagat gaya nun kinatatayuan ng MOA.
Bakit ba dagdag lang ng dagdag at tila bawal ang magbawas?
Ano rason nila: E kasi sa dami ng mga tao, kulang pa rin daw ang pampublikong sasakyan kaya kailangan magdagdag. Kaya naman pag natapos na ang mga dagdag na daan, kulang na ulit yan kasi nadagdagan na naman ang mga gagamit ng kalsada. Ulit na naman. Magaling di ba? Resibo. Ka-Ching!
Simple lang din pang-unawa ko dyan. Pag nagbawas sila - bawas din ang kita. Ninipis ang kanilang mga bulsa.
Pag nagdadag sila - Dagdag din kita! Happy ang mga tao sa gobyerno at mga negosyante. Masaya lagi ang pasko.
👉 Magkano kaya resibo sa mga skyway projects na yan at sa mga bagong prangkisa?
So sino pa rin kawawa? E di ang mga taong naiipit sa TRAPIK araw-araw! Manggagawa at mga Estudyante, lalo na yun mga umaasa lang sa public transportation.
Mga pulitiko at bilyonaryo? E naka-kotse, naka-wangwang, naka-escort, naka-helicopter? Wa-pakels mga yan!
Baka sabihin nyo puro ako reklamo, wala naman suggestion. O eto ang isa.
Tutal umuutang at gumagastos na din naman tayo at nababaon sa trapik dahil sa dami ng build build build projects na yan. Bakit imbes na ang i build build build ay mga daan, e sana mass transit system na lang o yun train system ang i-prioritize sa buong Mega Manila at pati na rin sa mga karatig na probinsya. Sama na rin natin ang Ferry System.
Pag karamihan nasa tren na at nasa ferry, e di mababawasan na ang pangangailangan ng sasakyan sa kalsada. Bawas kita sa iilang mga bulsa pero ika-uunlad at ika-giginhawa naman ng karamihan.
Minsan kasi simple lang ang solusyon, ginagawang kumplikado kasi inuunang iniisip ang mga kanya-kanyang bulsa kaysa sa ikagaganda at ika-aayos ng bansa.
Yun lang po. Para! 😁
#CommuterRain
Comments
Post a Comment