Tuesday, December 31, 2019

What the Rain Wrote in December 2019

O eto, ano ginagawa ng bulkan pag wala na maisuot na damit?

- e di, nag la Lava 🀘


Dec 8

Paalala ni Father kanina:

"iPhone kayo ng iPhone, kumusta naman po ang inyong iPon?"

Dec 9

When I was younger, sometimes I've believed as many as six impossible things before breakfast

Dec 11

Ang dami na naman hocus pocus sa DoTr at LTFRB, kaya tayo di umuunlad e, bulsa lagi inuuna e. Di ba kayo maka-survive ng walang ginagatasan?

Dec 18

While Checking My eMails:

Gusto ko sana pagbigyan kasi season of giving naman kaso ang greeting ba naman e "Miss Rain" - Mrs na po ko!

Dec 19

In 6 Days Pasko Na!

Ingat po sa mga kanto-kanto, Christmas Party na ng mga mandurukot, magdedelhensya na ng pang exchange gift

Dec 20

PAALALA SA MGA BI-BYAHE:
App-based na po ang holdapan ngayon - Mag-ingat po sa grupo ng GRAB

******

Wala ng nangangaroling sa Maynila ngayon - puro shoebox kids ang nagkalat. Never na ako nagbibigay sa nga ganyan!πŸ‘Ž

*******

Mga kids iba po ang KAROLING sa PAMAMALIMOS! Sa mga magulang ng mga batang ito - mahiya naman po sana kayo sa ginagawa ng mga anak nyo! Never ko tuturuan mamalimos ang mga anak ko! πŸ˜•πŸ˜•πŸ˜•

Dec 21

Nakaka-depress naman ang playlist ng grab ride ko na to! Christmas Songs nga kaso naman:

πŸ™ Pasko Na Sinta ko
😒 Sana Ngayong Pasko
😭 Miss Kita Kung Christmas
😭😭 Sa Araw Ng Pasko

AND IN THAT ORDER!!! 😭😭😭

Sana masaya na yun next kasi wala ko tissue.

Dec 30

Bakit pag may nababasa ako na alleged na "anomalya" e lagi ko nakikita ang pangalan ni Bong Go πŸ€” Malas ba siya o Malas tayo?

Dec 31

STILL LIFE

Miss ko na yun mga STILL LIFE oil paintings (hindi prints) ng fruits na usually naka sabit sa mga kitchen walls. Wala na ko nakikita na ganun.

Dream kitchen ko yun brick ang walls, painted in sunny yellow adorned by still life paintings of fruits, vegetables and beautiful country landscapes (medyo sophisticated ang pagkaka-bigkas dapat) 😁

*******

I therefore conclude,

Kapag nababawasan ang budget nadadagdagan ang timbang. ZERO na laman ng banko ko, pero DOBLE na baba ko this year. So, congrats sa mga nangayayat ng todo dyan - pa cheeseburger naman kayo. πŸ‘πŸ˜

Tuesday, December 17, 2019

Bakit Daw Parang Wala Ako Kaaway?

ASK THE RAIN

Someone asked me - Bakit daw parang wala ako kaaway?

Sabi ko, meron ata kaso di ko lang alam 🀣

Mas healthy kasi kung madami friends kaysa enemies 😊😊😊

Also, I don't really have enemies because I consider everyone as friends - true story!✌️Some are just temporarily disconnected - babalik din yun... third world country kasi tayo, mabagal networks. 😁

I just hope that those who also call me friend is a real friend. Kasi nakakaawa naman, ang hirap kaya maging plastic, ang bigat dalhin nun... pwede ka magka-cancer. πŸ™

Also, to those who don't really like me at all. It's okay... wala namang contest at wala ring prize para sa most liked. Nabibili na pati mga likes ngayon, at least yun sa kin organic at cancer-free, I think πŸ˜πŸ˜πŸ‘

#AskTheRain

Friday, December 13, 2019

Thoughts on TRAPIK habang naiipit sa TRAPIK

Thoughts on TRAPIK habang naiipit sa TRAPIK

Simple lang take ko dito kasi di naman ako kasing talino ng mga tao na nasa gobyerno.

Ang problema TRAPIK. Puno na ang kalsada. Disiplina din, pero mas dun sa sobrang dami na talaga ng mga gumagamit ng kalsada. Korek?

Pero bakit parang ang focus ng mga tao sa gobyerno e magdagdag lang ng magdagdag. Parang may mali ata!



TRAPIK?
πŸ‘‰ Dagdag pa tayo ng mga makabagong jeep - para mawala na luma?
πŸ‘‰ Dagdag pa tayo TNVS players - para may ka kompitensya si Grab?
πŸ‘‰ Dagdag pa tayo ng mga Habal-Habal - para may ka kompitensya si Angkas?
πŸ‘‰ Dagdag pa tayo ng mga tao - import tayo sa China?

So, puno na nga di ba, nagdagdag ka pa - e di ba aapaw na?

So ang pinaka-solusyon ng mga matatalino sa gobyerno?

πŸ‘‰ E di magdagdag na lang tayo ng mga daan na nakalutang.

πŸ‘‰ Magdagdag ng lupa sa dagat gaya nun kinatatayuan ng MOA.

Bakit ba dagdag lang ng dagdag at tila bawal ang magbawas?

Ano rason nila: E kasi sa dami ng mga tao, kulang pa rin daw ang pampublikong sasakyan kaya kailangan magdagdag. Kaya naman pag natapos na ang mga dagdag na daan, kulang na ulit yan kasi nadagdagan na naman ang mga gagamit ng kalsada. Ulit na naman. Magaling di ba? Resibo. Ka-Ching!

Simple lang din pang-unawa ko dyan. Pag nagbawas sila - bawas din ang kita. Ninipis ang kanilang mga bulsa.

Pag nagdadag sila - Dagdag din kita! Happy ang mga tao sa gobyerno at mga negosyante. Masaya lagi ang pasko.

πŸ‘‰ Magkano kaya resibo sa mga skyway projects na yan at sa mga bagong prangkisa?

So sino pa rin kawawa? E di ang mga taong naiipit sa TRAPIK araw-araw! Manggagawa at mga Estudyante, lalo na yun mga umaasa lang sa public transportation.

Mga pulitiko at bilyonaryo? E naka-kotse, naka-wangwang, naka-escort, naka-helicopter? Wa-pakels mga yan!

Baka sabihin nyo puro ako reklamo, wala naman suggestion. O eto ang isa.

Tutal umuutang at gumagastos na din naman tayo at nababaon sa trapik dahil sa dami ng build build build projects na yan. Bakit imbes na ang i build build build ay mga daan, e sana mass transit system na lang o yun train system ang i-prioritize sa buong Mega Manila at pati na rin sa mga karatig na probinsya. Sama na rin natin ang Ferry System.

Pag karamihan nasa tren na at nasa ferry, e di mababawasan na ang pangangailangan ng sasakyan sa kalsada. Bawas kita sa iilang mga bulsa pero ika-uunlad at ika-giginhawa naman ng karamihan.

Minsan kasi simple lang ang solusyon, ginagawang kumplikado kasi inuunang iniisip ang mga kanya-kanyang bulsa kaysa sa ikagaganda at ika-aayos ng bansa.

Yun lang po. Para! 😁

#CommuterRain

Saturday, November 30, 2019

What the Rain Wrote in November 2019

Kung ipapa-Tulfo natin yan si Tulfo sinong Tulfo ang mang tu-Tulfo kay Tulfo? πŸ€”


Nov 8

Sa totoo lang, AWA ang nararamdaman ko dun sa mga taong nabiyayaan naman ng mga maayos na kamay pero dedma sa abutan ng pasahe sa loob ng jeep. Sila siguro yun mga pinagkaitan ng mga mabubuting friends. πŸ˜’

But seriously, yun Jeepney po kasi dinisenyo yan gamit ang BAYANIHAN system. Ngayon kung di nyo po FEEL makipag-bayanihan marami naman options tulad ng taxi, angkas at grab or pwede rin kayo umupo sa tabi ng driver o di kaya sa pinaka-dulong bahagi ng Jeep na kung saan ay dapat nakalaan para sa mga seniors o di kaya sa PWD.

Bagay po kayo dun kasi mas malala pa kundisyon nyo sa mga PWD. 😁✌🀘

#CommuterRain

Nov 20

A couple more years pang museum na daw ako, but I really don't mind. Kasi I have always believed that despite my many flaws I am still a beautiful unfinished masterpeice.

Shoutout sa aking very patient and skillful creator! Da best ka Bro! πŸ™☝️

Nov 23

We are all raising a nation of soft, overly sensitive, self-entitled and easily depressed brats whose self worth and happiness are dependent on what their gadgets say about them. πŸ™

Who gave Tulfo the RIGHT to be judge and executioner? Some people see him as a hero or even a savior, but what he is really is a capitalist who make money from other people's misery. Di na po yan public service - kung sincere kayo na makatulong bakit di n'yo yan gawin OFF AIR.

That Tulfo show is an example of media public service stepping out of line! I urge everyone to vehemently refuse to be made an instrument for the amusement of the show's fans and for the benefit of his and his network's pocket.

I believe that some art pieces are expensive and even priceless not because of the artist or the artists who made them but because of how the art works have created the artists. Some say an artist loses a part of his or her soul in every creation to give it life - a horcrux you might say.

Ang dami ko sinabi pero di po sa kin yun wall sculpture na to. Arte lang! πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…


Nov 24

Yun concerns ng mga visiting athletes tulad nun kaldero, after SEAG na natin pag-usapan kasi masisira image ng bansa πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

Nov 25

Mababaw lang kaligayahan ko:

1) Hindi umuulan
2) Malakas na ihip ng hangin
3) Makulimlim
4) Mga nagsasayawang puno at halaman
5) Dapithapon

Pagsama-samahin mo yun, wala na ko pakialam sa mga nangyayari sa mundo. πŸ˜πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Thursday, October 31, 2019

What the Rain Wrote in October 2019

Nasa point ako ng buhay ko ngayon na I consider covering events as fund-raising activities kasi napakamahal po mag Grab so combine ko na ang "baka naman", "please lang" at "bahala na po kayo sa kin Lord" πŸ˜‚πŸ€˜


Oct 3

Ang LRT pala parang showbiz events din.

Sabi kasi may "slight technical problem and will be delayed by 9 minutes" pero elow 20 na wala pa din.

Sa events kasi kadalasan yun "we'll start in 5 minutes" parang mga 30 minutes pa yun e.

Oct 7

SO KELAN MANGYAYARI ANG BUSINESS CLASS NA TRAIN, SA YEAR 3000?

Eto hirap sa mga taga-gobyerno na hindi marunong mag-commute e. Bigyan kita 3 reasons bakit di mangyayari to sa buhay natin ngayon.

☝️ Ang MRT ang pinakamabagal na tren sa buong universe!

☝️ Na try nyo na ba sumakay sa Cubao-Farmers station southbound o Ayala station northbound during rush hours?

☝️ Sirang riles, kulang ang tren, mabahong CR, at di gumaganang mga escalator at elevator.

Di mo na nga ma-improve serbisyo ng MRT at mapagkasya ang mga pobreng mananakay, maglalagay ka pa ng special treatment para sa mga mapepera? Di yan magiging solusyon sa trapik sa EDSA at lalo mo lang pagmumukhang kawawa ang mga nagkakalbaryo araw-araw sa lintik na MRT na yan.

Oct 10

Pag may tiyaga may nilaga! Pero ang totoo tyamba lang. πŸ˜†

Grab to BGC is 500+ Pesos due to high demand daw, so syempre never mind.

After 5 mins, I checked again... 303 Pesos na lang. - BOOKED! πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†

Oct 11

Mas matindi commute challenge ko kay pareng Sal kasi ako mula greenhills nag BUS, nag TRICYCLE at nag JEEP - one hour lang hanggang makarating ako sa Paco, 1 hour lang on a Friday night pero naka NAMETAG πŸ˜’πŸ˜’πŸ˜’

Oct 13

Buti pa tong mga squatter este "informal settlers" dito sa Avenida puro naka Cignal

Oct 19

Parang gusto ko na lang ng 8-5 na job, yun tapos ang trabaho pag tapos ang oras gaya ng messenger o janitor - meron pa bang ganun? Ayaw ko na mag-isip! πŸ˜’

*****

"Parang isang kandila na nagdadala ng ilaw at liwanag... Nauubos rin sa magdamag." - APO has the most meaningful songs

Monday, September 30, 2019

What the Rain Wrote in September 2019

Sa Metro Manila, may 2 klase ng mga nagkukumpulang tao - mga nagyoyosing call center agents at yun mga nanghuhuli ng Pokemon


Sep 5

"Ang bongga ng event, ang tanong... may napala ka naman ba?" *Narinig ko lang sa peborit teleserye ko 😁

*****

Ang dami kong imaginary sweldo

*****

Kung simple lang ang buhay e bakit nagri-rate pa din ang MMK, Magpakailanman at Wish Ko Lang?

Sep 6

Good Morning! Gising na at magpapayaman pa tayo ng ibang tao. πŸ˜‚πŸ˜­

******

If you discount the politics and all the crisis, THE BEST pa rin ang maging batang Pilipino noong Dekada 90!

πŸ‘ Maka-Kabataan
πŸ‘ Maka-Kalikasan
πŸ‘ Maka-Pilipino sa Wika, Sining at Kultura
πŸ‘ At syempre sa Musika πŸ˜‰

******

✅ Favorite Scent - Efficascent
✅ Favorite Hangout - Watsons & Mercury
✅ Favorite Snack - Herbal Supplements

Sep 9

My spirit needs a new corporeal form, this one I have is already broken πŸ™

******

Couldn't work since Thursday, my apologies for all the delays and I hope to get myself in good working condition this week with the help of my new very expensive meds. 😭

Sep 13

I am up to my neck with pending work. Just had my cervical xray done today, results will be ready by tomorrow. Hope that it'll finally show what is really wrong with my head and neck. Can't work like this, I need my old body back. 😭

Saturday, August 31, 2019

What the Rain Wrote in August 2019

LUMILINIS NA ANG METRO MANILA


Ngayon na medyo malinis na ang karamihan ng kalsada, maganda rin siguro na malaman kung sino yun mga nawalan ng kita - and I am not talking about the street vendors kundi yun mga taong binabayaran nila para makagamit ng kalsada.

Alam naman ng lahat ang kalakaran dyan, ang nakakapagtaka lang e sa dinami-dami ng mga nagbabayad e di lumalabas ang mga pangalan ng mga nakakatanggap ng bayad.

Yun ang ugat e, pag di nabunot ang ugat... tutubo pa rin yan pag tinamad na ang mga hardinero.

Aug 3

Going to Alabang on a rainy Saturday. Best Wishes!

Aug 5

So may nag-ask sa kin: "WINNER ba ang CHAMPION?" 😢😢😢⁉️ Naguluhan ako sa tanong ng mga 5 seconds

Aug 7

Nawawala yun morning dose ko ng mga cats, dogs and dry bar comedy videos sa FB. Puro #TeamBea laman ng newsfeed ko.
😢😢😢

Aug 15

"When you gotta go, you gotta go." Kahit ano pa nakalagay dyan sa may pintuan.

Lahat naman ay nadadaan sa mahinahong paki-usapan at paliwanagan. Wag laging on the offense or defense, it's always better for people to seek the middle ground than treat everything as a battle or a war.

In the end we are all human beings living on borrowed time and space, and the only thing that matter is how much kindness, respect and understanding we've shown to our fellow human being.

No amount of LAW can ever force people to do that. Ang dami ko na nakitang sign na "Bawal Tumawid Dito" na tinatawiran. Change has to start from the heart.

Be Kind. Be Respectful. Be always ready to understand.

Hanggang dito na lang. Mag CR muna ko. 😊

Aug 29

"Plant your feet and stand your ground!" My battle mantra inside the MRT

Aug 31

Biggest WTF of the week!

Kung di pa nabunyag yun kay Mayor Sanchez, di pa malalaman na napakarami na palang convicted Drug Lords, Kidnap-for-Ransom masterminds at perpetrators ng heinous crimes ang napalaya na!?

BuCor magsipag-resign na kayo!  #PeraPeraLang

Thursday, July 25, 2019

What the Rain Wrote in July 2019

Isko is cleaning up the streets of Manila. Again, here's hoping that this wouldn't be just "Ningas Kugon"


July 7

It's their words against our fishermen... who, at the very start didn't have the full support of this government.

It's really a one-sided investigation plus no third-party investigator was allowed?

And that is the reason WHY these poor fishermen will probably take all the blame and we, the Filipino people will never know the "real" truth.

July 13

Eto sign na LUMALALA water crisis natin:

Announcement Sa Barangay: Simula po sa Lunes mawawalan tayo ng tubig mula 4pm hanggang 8am na.

(Dati 4pm hanggang 6am lang)

Sana umulan ng malakas... tapos naka-concentrate lang sa Angat Dam. πŸ™πŸ‘

July 15

2 BIRDS 1 STONE:

May two perennial problem ang Manila, illegally parked vehicles and unruly street kids (and adults) that constantly refuses to be housed in social welfare environments.

Bakit di natin bigyan ng piso ang mga street dwellers na to na pwede nila i pang gasgas sa mga illegally parked vehicles. Ireklamo nila ang isa't-isa. Let them cancel each other out - matira ang matibay. Matatakot na mag park sa kalsada yun mga di kotse pero walang garahe tapos malalagay sa institution ang mga batang kalsada. πŸ˜πŸ˜‚πŸ€˜

Suggestion lang naman. Parang Win-Win naman yun di ba? 😝

July 17

Di ko na kelangan yan face app na yan, I already look old. What I need are more collagen and anti-oxidants πŸ˜‚

July 18

MORNING PRAYER

Dear GOD,

We have a new breed of action mayors na idol ng mga kabataan. Sana po ay wag sila lamunin ng sistema gaya ng mga nauna sa kanila bagkus maging instrumento sila upang mabago eto. For the first time in a very long time, we've tasted real counter-culture leadership stripped of all the bad politics, one that this country sorely need. Leaders that are worth following. Guide them and give them strength. πŸ™

Amen

July 19

Will give a talk about Leadership, Initiative and Volunteerism tomorrow.

Pwede ko ba gawin example yun mga olats na events as examples of volunteerism? Parang volunteer ka na rin naman nun di ba?... di mo nga lang alam. After ng event pa. 😁🀘✌πŸ˜‚

July 22

SHARE KO LANG

Sa latest tagalized episode ng Naruto Shippuden sa YEY, tinanong ng Bijuu si Gaara kung kaibigan siya ni Naruto, kasunod nun ay walang katapusang flashback, tapos ang ending sasabihin lang pala ni Gaara, "Oo, siya ang aking unang kaibigan." πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

Ganito yun mga kinakainisan natin sa mga telenobela pero dahil Naruto to - keri na! 😁🀘

July 25

Sa tagal ko na nagco-commute nababasa ko na isip ng mga nagnenegosyo sa kalsada.

Halimbawa, kanina sa Tricycle. Ang fare ay 10 pesos. Inabot ko ay 20 mabilis naman na kinuha ni manong pero yun pagbalik ng sukli matagal. Eto ang marahil pumasok sa isip nya:
  1. Alam kaya ng mokong na to na 10 ang pasahe? Sana hindi
  2. Ano kaya sasabihin ko, wala akong barya o tumaas na pasahe
  3. Baka pag dinedma ko di na kunin yun sukli. Yun kunyari may inaalala ako na nakalimutan ko.

Malas nya kasi, nag-antay talaga ko sa harap ng tricycle hanggang sa maabot ang sukli para walang kawala. 10 din yun a, hirap kitain yan sa mga events. πŸ˜†πŸ˜✌πŸ€˜πŸ˜…

*****

Kung ang LAHAT ay mapagbigay, walang mag-aaway πŸ‘

*****

One of the things that I look forward to when riding the LRT is the Oishi Crispy Patata commercial of Alex Gonzaga πŸ˜‹πŸ˜†

Monday, June 24, 2019

What the Rain Wrote in June 2019

I live in Paco, Manila. So happy that I can still hear the sound of kuliglig (Cicadas) at our place. It's noisy but my heart jumps for joy. We also have lots of different kinds of birds visiting all year round and it's all because of the trees near our place. Hope no idiots come and decide to chop down trees here - cause I might chop them down also πŸ˜πŸ€˜πŸ˜œπŸ˜‚


June 4

Good News! Parang dumami na ang mga trains ng LRT2 na may maayos na aircon!
June 7

Grabe hirap mag commute ngayon! Sa kalsada para kang daing sa loob ng jeep para kang Andoks.

June 9

Meron bang SPF level na di ka tatablan ng init?

June 11

For every 13 bestfriends that you have there's that 1 person who'll betray you. You'll die but you'll live again.

June 12

No one outside ourselves can rule us inwardly. When we know this, we become FREE.

June 19

Sorry have to voice this out baka tubuan ako ng critical illness e!

Ano ba naman tong Malacanang at mga fans nung "Chinese Fishing Vessel" na yan - "Giyera" agad? "Nuclear War" agad kinakatakot n'yo?

Di na ba pwedeng magreklamo, alamin ang truth at humingi ng hustisya ang Pilipinas laban sa China ngayon?

Yun anak mo, pag umuwi na may "black eye" di ba manggagalaiti ka at magrereklamo sa school agad kahit di mo alam sino nagsimula ng away o ano nangyari? Anak mo yan e!

Ano yun porket nakita mo na mas malaki yun tatay nung nakaaway ng anak mo e babatukan mo na lang anak mo at sisisihin na sya kasi ang may kasalanan?

Konting "yagbols" naman mga magigiting na pinuno namin sa gobyerno na to! Nakakahiya na kayo e! 🀘

June 24

Ang saya sa San Juan. Basaan ng Basaan. Parang walang problema sa supply ng tubig.

Friday, May 31, 2019

What the Rain Wrote in May 2019


"Every life, every day is in danger. That's just life." - Asst. Director Walter Skinner / X-Files



May 4

Nakakainis sa kabagalan tong UV Express na nasakyan ko. Dating Jeepney driver ata to sa Escoda-Pandacan - Grabe naman lahat ng kanto tinitigilan, kahit walang tao. 😭😭😭

May 6

Ano ang criteria ko sa pagpili ng mga iboboto para sa Senado?
Dalawa lang po, PERFORMANCE at someone who I think CAN MAKE A DIFFERENCE on social issues that are close to me such as: Welfare of the Children and Youth, Education, Environment, and Security-Safety-Justice (Dapat Magkakasama Yun).
I don't look at political, family or religious affiliations and popularity. Hindi po eto Starstruck, Idol Philippines, PBB o The Voice. Nakasalalay dito kinabukasan natin lahat, wag basta maniniwala sa mga endorsements-endorsements na yan.
You have your own minds. Do your research, double-check, triple-check, and weigh your options. Do what's best for you, your family, your children and all the people that you love.

May 7

It looks like rain. It feels like rain. But it has no rain. Just like what I ordered for today!

May 8

May SAYAD ba tong mga naghahandle ng YouTube? From the time I was reapproved for monetization last March 13 I have uploaded only a total of 25 videos in my channel - all original (non-music) contents and have not received any copyright strikes or any kind of violations (just like before)! Tapos ngayon suspended na naman ako on the account of their very vague REUSED CONTENT criteria? What is happening to your people YOUTUBE? So incompetent! 😠

May 11

Ever felt that your life is somehow misplaced? That you were meant for something greater but you're just at the wrong place right now?

May 13

On election day, I would like to share this quoted dialogue between Jeremiah Smith and the Cancer Man from The X-Files Season 3 Episode 24: Talitha Cumi - an episode heavily influenced by "The Grand Inquisitor" - a chapter in Fyodor Dostoyevsky's novel "The Brothers Karamazov".

Cancer Man: Who are you to give them hope?

Jeremiah: And what do you give them?

Cancer Man: We give them happiness and they give us authority.

Jeremiah: The authority to take their freedom away in the guise of democracy?
Cancer Man: Men can never be free, because they're weak, corrupt, worthless... and restless. The people believe in authority. They've grown tired of waiting for miracle or mystery. Science is their religion - no greater explanation exists for them!

May 18

COMPLETION! It may not look like it, but speaking in front of teens and facilitating a leadership camp for 3 days is a very draining activity, but one that is the most rewarding - tired but I am definitely happy.


May 19

Shoutout sa mga jeepney drivers na LED na ang ilaw sa loob ng ride nila! Laking tulong sa mga pasaherong init na init na sa byahe. Sana lahat magpalit na.


*****

I dont really enjoy the wet season, hate ko ang basang kalsada but my wallet is really crying for rain now, meralco is so unkind!



May 21

So why choose people who make you feel like you're a last resort? Always work with those who genuinely value you. Your choice.

May 22
Wish I have no expectations.
But I expect. YOU expect. WE expect.


*****

Some of the alternative pop hits today reminds me of the downer-edgy feel of 90's Grunge music - here are my top 3 favorites:

  • Bad Guy by Billie Eilish
  • Getting Closer by Justin Jesso
  • Dear Society by Madison Beer

May 23

Love na Love ko ang LRT1 ngayon. Konti lang sad stories ko sa kanila compared sa LRT2 at MRT.

*****

Ang Basa
Basa ng pawis sa umaga.
Basa ng ulan sa gabi.
Ang Basa.
Bow.

May 24

And the weirdness starts:

Earlier. Nakapila ako sa unahan ng electronic entrance ng LRT when this woman behind me scanned her card on the machine before I could. So naturally pinauna ko na sya. Di naman ako nagalit, nabasa ko kasi sa mukha nya na parang na confused din sya. Parang kinulang sa kape kanina pag gising.

*****

Half of Paco is raining.
The other half is sun bathing.
It's going to be a weird day.

May 27

Yun nasakyan ko na Grab stunt driver ata ng Fast and the Furious #WhatARush

May 31

A lot of leaders - Government, Church, Business, Community, NGOs and even in the Youth sector - are so busy making a name for themselves at the expense of genuine SERVICE for the people that they lead. #MorningRain #JustSaying #RealTalk

Friday, May 3, 2019

Chinese Hindi China! Pilipino Hindi Pilipinas!

Kahit kailan, hindi po maganda ang mag generalize!

Iwasan po natin gamitin ang salitang "Chinese" at ipatungkol agad ito sa buong lahi ng mga Tsino lalo na kung ang usapin ay tumutukoy lamang sa isa o iilan lang. Ginawa na ni Hitler yan noon laban sa mga Hudyo - alam naman natin siguro ang naging ending ng kwento na yan sa history books.

I say this not only to Filipinos who are critical of their presence here in the country but also to Chinese sympathizers as well who uses the word in the same manner.

Ang usaping pang gobyerno ng China at Philippines ay iba sa usaping Tsino at Pilipino bilang mga tao. Huwag po tayo malilito. It's the political policy that offends us and not the whole Chinese people - you win by picking the right battles!

Parang magulang lang yan at anak -  di porket siraulo and magulang ay siraulo na rin agad ang anak. Wala naman sigurong kinalaman ang nakararaming Lee, Chan at Hung sa nangyayari sa West Philippine Sea. Baka yun iba nga, gaya rin ng ibang mga Pilipino ay wala lang paki-alam.

Case in point, hindi naman po lahat ng mga Tsino ay magaling mag negosyo at hindi rin po lahat ng Pilipino ay trabahador na lang habang buhay.

Ang Tsino at Pilipino ay TAO na may sariling pag-iisip. Hindi po tayo nilalang ng Diyos na pare-pareho. Totoo na meron talagang mga gago, mayayabang at mapangsamantalang mga Tsino - well, I think meron din naman nyan sa mga Pilipino.

Ang point ko lang, huwag na huwag po tayo mag generalize! Siguro same din ang mapapayo ko sa darating na eleksyon - maging mapanuri. Hindi po ito laban ng Ginebra at San Miguel - iwasan ang mga tanga at gago sa magkabilang kampo!  

Wednesday, May 1, 2019

Ang Walang Katapusang Usapin Tungkol Sa Trapik

TRAPIK? Napakarami ng eksperto ang nagsalita tungkol dyan.. ang ending parang relationship status lang yan ng karamihan ng nasa FB na may imaginary syota - IT'S COMPLICATED.

But the fact of the matter is the politics of business and the business of politics are the ones making it complicated.
Sabi nila poor urban planning, vehicle volume, lack of discipline and lack of mass transport systems ang problema - so therefore ano ang solusyon?

Based sa mga sinasabi nila e di: 
  1. Ayusin ang Metro Manila
  2. Bawasan ang sasakyan
  3. Ipatupad ang mga batas at mag disiplina
  4. Magdagdag ng mass transport systems
May nakalimutan kasi sila sa mga dapat ayusin bago magawa lahat yan - bawasan and sobrang pamumulitika!

  • Bakit di matanggal illegal vendors? - Botante yan e
  • Bakit ang daming informal settlers sa Manila? - Botante yan e
  • Bakit wala pa ring common station ng MRT? - Pambili ng mga Botante yan e
URBAN PLANNING - Matagalan to, mahirap gawing BGC ang buong Metro Manila. Pero I think kaya naman ng paunti-unti pero dapat lahat ng city sa Metro Manila at least may one township project na magiging benchmark ng iba pang mga lugar.

VEHICLE VOLUME - Since di mapipigilan ang pagdami ng mga auto, bawasan na lang ang labas ng mga ito. For public utility vehicles (yellow plates) and service vehicles (delivery, etc) same number coding scheme, pero for privately owned vehicles dapat 2 days sila di pwede bumiyahe sa isang linggo.

MASS TRANSPORT - at dahil dadagsa ang dami ng mananakay, baka pwede i prioritize (FOR REAL as in URGENT) ang pag dagdag ng mga tren sa MRT at LRT at gawing mas mabilis ang dating lalo na pag rush hours.

Sunday, April 28, 2019

KATOLIKO AKO

Pa-isa lang po this Good Friday.

Narinig ko lang: "KATOLIKO AKO pero gaya ni President di ako naniniwala sa mga kumpisal-kumpisal at simba-simba na yan."

Hindi ka KATOLIKO ungas, niloloko mo lang sarili mo!

Yun ibang tao ginagawang parang ulam ang religion. Halimbawa, paborito ko ang sinigang pero ayaw ko ng may gabi at okra.

I don't criticize people for their beliefs but I do despise hypocrisy.

*****

Meanwhile sa kalsada sa Manila kanina...

Lalaki (20s): Kuya, kuya baka pwede po makahingi tulong pamasahe pauwi po ko sa Paranaque.

Me: Naku kuya nilakad ko na yan dati, kayang-kaya mo yan sundan mo lang LRT.

*QC nga nilalakad ko lang

SENIOR CITIZEN LANES

Medyo mahaba pila sa MERALCO today. Tapos may eksena pa.

Well medyo mahaba pila talaga both sa REGULAR lane at sa SENIOR lane. Pero mas mabilis ang process sa regular lane kasi 4 ang tellers. Habang sa senior lane 1 dedicated teller lang. Marami sa mga seniors na nakapila ay nakatayo na. So naturally may nakapansin na senior at nagreklamo at nagsusuggest na madagdagan ang teller kaso syempre senior na matagal na nakapila so medyo galit ang pagkakasabi n'ya.

THE SAD PART IS: Yun teller ng senior imbes na i address ang issue ay tumayo at nag rason na isa lang talaga ang linya para sa senior at mag antay na lang na tawagin - so parang walang choice talaga. Ganun din yun guards nirarason nya na pareho naman mahaba.

THE SADDER PART IS: I can hear people sa regular lanes murmuring na kung gusto daw ni tatang na mabilis e sa regular lane sya pumila or pumunta sya ng maaga kung ayaw nya ng mahabang pila. Tapos pinagtatawanan pa sya.

#1: Hindi po pinapatupad ang SENIOR AND PWD LANES para pang DISCRIMINATE. It's primary purpose is to provide convenience to the elderly and PWDs. If di sya nagbibigay ng convenience then it's useless!

#2: MERALCO should train their personnels to be more compassionate or at least have the brains (or heart) to address situations accordingly. Wala na po bang ibang paraan talaga?

So I politely suggested to one of the tellers na why not assigning 1 more lane to the seniors muna hanggang maging manageable lang ang pila, yun lahat sila nakakaupo na. Bale magiging 3:2 ang ratio muna. Tapos balik ulit sa regular pag ok na. Not sure kung nakinig. Kasi mukhang lahat ata sila ayaw ma assign sa SENIOR LANE.

Nakakalungkot.

Sa isip-isip ko, TATANDA RIN KAYO LAHAT.

AVENGERS END GAME THOUGHTS

I just realized that I have not actually made a review of the Captain Marvel movie so here it is:
Like I said in my article, it's not MCUs finest and it's not because Infinity War have set the bar high like everyone wants to believe but rather because James Wan's Aquaman is just so much fun to watch that we'd expect that the hyped-up Captain Marvel movie would live up to expectation to rival DC's most successful film. Which it did not.

Instead what many saw was a marketing tool for a feminist agenda that really took away all the fun in the film. She's a comic book character, not a mascot!

So we turn to Goose as the film's saving grace!

Storytelling was okay, action scenes feels so uninspired and although song selections were good, some tracks are disconnected from the scenes. Brie was really struggling to make the character believable.

Generally it was still a very entertaining movie to watch - and you wouldn't want to miss it because it has a lot puzzle pieces that will help complete MCU's Avengers Saga.

*****

It's a big win. But why do I feel like it's a lost. It is indeed an epic conclusion. A most depressing one. 

*****

Don't want to read End Game spoilers? Stop browsing social media pages 'cause unless there's a law or something... it's "INEVITABLE."

*****

Hindi lahat ng naglabas ng End Game spoilers nakapanood na, yun iba nagbasa lang sa wikipedia - Mga bwisit lang pero walang kwarta!

*****

Kala ko ba action-adventure film? E umpisa pa lang ng movie umiiyak na ko. Kahit labanan na naiyak pa din ako. Kahit may nag joke nakakaiyak pa din. Hanggang sa end credits may luha pa din mata ko. Di ako prepared. Mas matindi pa to sa peborit n'yong telenobela. Imagine mo 3 hours and 10 mins kayo nagpipigil ng luha. Ang sakit sa damdamin. Yun lang po masasabi ko. Nakatulong ba?

Wednesday, March 13, 2019

WHY READ A BLOG

I can give you one great reason why you should read a blog.

More often than not, and across all niches, blogs are a SOURCE OF POSITIVE INFORMATION.

That is If you take away those political and black propaganda sites, viral-oriented and troll-generated blogs - who are either just out to make a profit or commissioned to push a political agenda. You just have to know which is which.

Yes, most blogs are opinion-based and brand-oriented, some are even poorly written or may contain a couple of wrong info but in general they contain news (ideas and experiences) that are fair and uplifting.

Majority of news sites in and out of social media are focused on articles and videos that are depressing. Shocking events that are viral-worthy that people in social media would share non-stop until the whole online community is flooded with NEGATIVITIES. Because people just love sensationalized news.

This is the reason why I TRY MY BEST not to watch the news on television or browse my newsfeed on Facebook and most especially the comment section on news articles. Di lang kasi nakaka-depress minsan nakaka-bobo din.

Knowledge is power? Well not all the time - sometimes it's an addicting drug that can destroy you inside and out.

BLOGS however have that tendency to add humanity on every bit of information. Because MOST don't really care if they trend or not - most bloggers know their place in the sphere.

Media and online news sites have to compete for you know.. ads, ratings, audience shares so they can stay on top of the game leaving them no other choice but to go "tabloid" - many mouths to feed of course.

Blogs, they just don't care about all that. Well at least not as much as media organizations do.

So hurray for blogs and bloggers who kept the faith. Keep on posting POSITIVITY online.

For friends on FB, please do flood my feed with those cute cat and dog photos and videos rather than news about Tulfo, Tokhang, Murders, Politics and other sensationalized stories. πŸ˜πŸ€˜πŸ˜‰

ON Being A Blogger And Attending Events

Someone asked me: How do one become a blogger and get invited to events?

I said, well that's two different things. If you really want to become a blogger then you build a website and WRITE (or post stuff). Yes bloggers do get invited in events but that is NEVER the objective.

I had to pay for my first blogging event (which I was invited to BTW, not a gatecrasher) and it was a restaurant review. But I was already blogging for more than a year prior to that.


My most-read articles on the blog are not connected to a brand or a brand event that I was invited to.

Remember your blog's worth is not determined by the number of events you get invited to or the number of PRs you know! That only means you're a better networker. Pa-kape ka naman dyan! πŸ˜€πŸ‘πŸ€˜

MANAGING EXPECTATIONS

Whenever I'm invited to give talks about leadership and management or facilitate workshops for team buildings - whether for students or business organizations - I would always highlight the topic of MANAGING EXPECTATIONS.
Leading.. Managing.. Forming Teams.. - they are all about relationships!


And the key ingredient to ALL successful relationships is clarifying expectations from time to time. Failure to do this usually leads to a lot of complications.

You ask what is expected of you and then you tell the other party your expectations as well. And once you've leveled all expectations to absolute reality, you work on those expections to grow.


This actually applies to all relationships: husbands and wives, parents and children, leaders and members, bosses and subordinates, teachers and students, celebrities and fans, brands and PRs, PRs and media people, friends, colleagues, etc.


And I,..... thank you!!! πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

GOD IS NOT HERE

I just realized that back in 92 I was a very troubled youth without any direction. Anthem ko ang "Runaway Train" ng Soul Assylum at "What's Up" ng 4 Non Blondes. Some of the most depressing songs ever.

I was invited to join a Church theater and choir group that year - saying yes to that invitation kinda saved me. I am so glad that I did. It's like I was lost and then I was found. Kailangan lang siguro talaga minsan na willing tayo magpahanap. πŸ™Œ

Still broken but I am much stronger now.

***

I LOVE people in social media who don't "always" follow the trends (and usually don't give a s#!tload of care) - rare breeds

***

GOD IS NOT HERE

It's true. GOD is not on Facebook or in any social media platforms. No matter how many forms, images, quotations of Him you see, GOD IS NOT HERE.

I have seen many friends who have succumb into depression, day after day after day - because they look for happiness, love, peace and hope in here! Friends who have thousands of friends, even hundreds of thousands... and yet still very lonely. Because you know what? GOD IS NOT HERE and you're looking at the wrong places.


But I do know a million other places where you'll find Him - BUT NOT IN HERE.

You say you're not lost and looking for GOD? Well God is looking for you. BUT NOT IN HERE.

You say you don't believe in GOD? Well don't worry because God believes in you. And that whatever storms you're having right now, God knows that you can calm it. BUT NOT IN HERE.

I think I know that you know where GOD is. And that you're just too proud or just too afraid to admit it.

GOD HAS ALWAYS BEEN WITH YOU BUT NOT IN HERE.

*This is an open letter to all my friends here in FB who are troubled right now. I have no bible quotations for you but I do hope you find one for yourself that you could draw strength from. It's a better read anyways, better than all the fake craps you'll find in here.

FIRST QUARTER RAIN OF 2019: Ang Mga Kaganapan Sa Bayan Ni Juan

Relax Lang.
If there is NO solution, then there's NO problem.

***

Kahit ibaba mo pa yan ng 1 year old at kasuhan mo ng plunder, kung mayaman at maimpluwensya ang pamilya.. laya pa din yan. Di ba Madam Speaker-President? Mister Mayor? Mga Sirs sa Senado at Congress? πŸ˜‰

Wala po kasi sa edad yan. Nasa Sistema. Magdadagdag ka pa ng mga ikukulong e di mo na nga mapagkasya sa kulungan yun mga nakakulong ngayon? Bawiin n'yo muna Spratly para may extra space. Lab Yu. πŸ˜˜πŸ˜‚

***

"BATO" could have been one of the greatest local action films ever, if it was a story about Darna's sidekick 🀘

***

After mag "mainstream" ng MaxiMango nawala na din ata appeal n'ya sa masa. Dati kasi OA ang haba ng pila pero ngayon mas mahaba na ulit ang pila sa Coco. Parang bigla nila na-realize na kung may kutsara, blender at imagination - kaya naman pala gawin sa bahay lang. 😜😁🀘

***

Siguro pag medyo gumagabi na pwede na natin luwagan yun "Keep Right" rule sa escalators. Humahaba na pila sa Kanan tapos walang katao-tao dun sa Kaliwa. Puro pagod na e, ayaw na magsipaglakad. Suggestion lang naman. 😁🀘

***

So nangyari na ba sa inyo to while taking a shower?

Pagtaktak mo ng shampoo na akala mo ay paubos na at sasairin mo na lang e hinaluan na pala ng tubig at ayun magkakalat ka sa buong banyo. πŸ˜‚

I know that it's a Pinoy thing but I really don't understand the concept behind this. Di naman s'ya concentrate bat kelangan haluan ng tubig - dishwashing liquid ba to, paramihan ng ulo na mahuhugasan? 😁

Pwede rin kaya yan style na yan sa Cheez Whiz at Peanut Butter? πŸ€”

***

Mabuhay ang mga uto-uto!

Kung wala sila paano na pangkabuhayan ng mga pulitiko? πŸ˜œπŸ˜‚πŸ€˜

***

Uso po ba yun BACKpack na nakasuot sa FRONT? Ang dami ko kasi nakasalubong sa Cubao. 
πŸ€”

***

Ang babaw daw ng kaligayahan ng mga bata ngayon - makakuha ng maraming πŸ’œs at πŸ‘s sa posts jackpot na.

Pero tingin ko mas mababaw ata kami noon, maka-tambay lang hanggang madaling araw na di pinapauwi ng mga nanay jackpot na! 😁 Tapos bukas eto sasalubong sa yo pag gising mo ng tanghali πŸ˜ πŸ˜‘πŸ‘Š

***

Marami talagang taong EWAN.

Tulad ni ATE na sinusundan ko pa LRT, kung makatapon ng kalat wagas, e samantalang kalalagpas lang namin sa isang hilerang trash receptacles (basurahan na sosyal).

Yan ang hirap pag may taga linis e, wala na disiplina. Tapon lang ng tapon kasi may mga naglilinis naman daw ng kalsada.


Ibabalik ko sana kalat nya kaso naka-marathon mode si Ate - so tama, may naglilinis nga... at ako yun kanina. 😳😳😳😩

***

Kung ang e-Jeepney itsurang bus.
Ang e-bus kaya itsurang Jeep?

***

Napag-isip-isip ko lang: Kung pulitiko ka at tumatakbo sa eleksyon, parang mas "advantage" ata yun meron kang kaso ng pagnanakaw? Mas madami ninakaw mas malaki chances mo? At kung nakulong ka dahil dito, sure na sure ka na talaga na mananalo!

Ang weird ng preferences ng mga botanteng Pinoy. πŸ‘πŸ˜✌😘

***

TOTOO KAYA? Nag loan pa tayo ng P20 billion sa China so China could SPY on us through the DILG-Huawei CCTV project? πŸ€”

***

Ang TANGA mo na siguro kung alam mo na SINUNGALING e boboto mo pa! ANG TANGA TANGA MO NA TALAGA (All Caps Para Ramdam ng Kaluluwa)! OO TANGA KA!

Sa kumpanya, number 1 requirement po yan! ANG TANGA TANGA MO SIGURO kung alam mo na nagsisinungaling na SA YO e tatanggapin mo pa! OO TANGA KA! Ngayong tanghali na to at magpakailanman!

***

Pag ganito katindi ang init yun mga millennials gusto mag beach, yun mga Tito at Tita.. naglalaba.

A LOT OF IDIOTS IN SOCIAL MEDIA

Social Media amplifies WHO YOU ARE.

It gave responsible people more power to push for their causes. I used to work in a group that aims to spread environmental awareness and prevent drug abuse. Life before SocMed was difficult when it comes to disseminating important information. Magastos at kailangan mo ng maraming gimmick just to attract your target audience to listen to what you have to say. It's so much easier now.

On the downside, Social Media also empowered IDIOTS. In fact, the online world is closed to being overrun by STUPID, RUTHLESS people and OVERLY SENSITIVE and amazingly IRRATIONAL pricks with cellphone loads and data.

I can give you a lot of examples, latest would be those stupid people on twitter who criticize a medical photo post as being sexist for tagging a little girl as a "Nurse in Training" and a young boy as a "Doctor in Training". What is the problem here? Kailangan ba lahat na lang idetalye sa isang photo? Pag pinagpalit mo ang tag magreklamo naman ang mga lalaki? Bakit pareho puti yun bata walang Black o Asian - racist? Bakit walang representative sa photo ang LGBT? Bakit bata? - child abuse issue naman? Kailangan ba photo album na lang yun pinost na may iba't-ibang tags?

SENSITIVE MUCH? Puro MEMA!

Napaka-ENGOT ng napakaraming tao sa Social Media. Ang daming matatalinong TANGA na nabigyan ng boses sa mundo ngayon, pagbibigyan nga ng jacket ang mga yan! STRAITJACKET!

REMEMBER: Hindi po lahat ng maingay may sinasabi. Yun iba pollution lang.

Monday, February 25, 2019

Why Celebrate The 1986 EDSA People Power Revolution

Why is it necessary for us to celebrate or commemorate the EDSA People Power Revolution of 1986?

Contrary to "now" popular belief, hindi po siya celebration na para lang sa mga Aquino supporters or the "Dilawan" as "many" DDS would call them.

Just to be clear, this post has nothing to do with politics (or partisan politics to be exact). I am neither a Dilawan nor a DDS - I do have a mind of my own and I am proud to say that I am able to see things (people and circumstances) objectively.

The EDSA People Power Revolution of 1986 belongs to the Filipino people! And that means every citizen of this nation - even those who are still to be born.

The call to march was never about politics, it was about PEACE! And everyone, including the soldiers, chose PEACE.

It was a defining moment in the lives of the Filipino people, an event that no one in the world has ever witnessed before. And has inspired people from every corner of the globe.

To reduce this event as just a SIDE to a political squabble does not give justice to the impact that it made in the world. I can only compare those who support this argument to those funny people who joined that Flat Earth group.

Let us look beyond the personalities of the EDSA People Power Revolution and look at the bigger picture.

It is more than just about the Aquinos and the Marcoses! Not even about Enrile, Ramos, Cardinal Sin or Ver. The story is all about a united Filipino people carrying the banner of peace for all the world to see.

At that singular beautiful moment we have averted a potentially bloody civil war and have showed the world that a people united can take down even a totalitarian regime by way of a peaceful revolution.

The story should be told in every generation, UNCORRUPTED and in its purest form so that it may serve as an inspiration to everyone.

It is therefore our sacred duty as citizens of this nation to safeguard this for posterity.

That whatever differences we may have, it can always be sorted out if we just choose peace, love and compassion. I think that's my ultimate take-away from that event.

For those who are in the habit of overthinking, I pity you. It's a very beautiful event in Philippine history and all you can see and hear are the woes and echoes of ghosts from the past.