What the Rain Wrote in August 2019

LUMILINIS NA ANG METRO MANILA


Ngayon na medyo malinis na ang karamihan ng kalsada, maganda rin siguro na malaman kung sino yun mga nawalan ng kita - and I am not talking about the street vendors kundi yun mga taong binabayaran nila para makagamit ng kalsada.

Alam naman ng lahat ang kalakaran dyan, ang nakakapagtaka lang e sa dinami-dami ng mga nagbabayad e di lumalabas ang mga pangalan ng mga nakakatanggap ng bayad.

Yun ang ugat e, pag di nabunot ang ugat... tutubo pa rin yan pag tinamad na ang mga hardinero.

Aug 3

Going to Alabang on a rainy Saturday. Best Wishes!

Aug 5

So may nag-ask sa kin: "WINNER ba ang CHAMPION?" 😢😢😢⁉️ Naguluhan ako sa tanong ng mga 5 seconds

Aug 7

Nawawala yun morning dose ko ng mga cats, dogs and dry bar comedy videos sa FB. Puro #TeamBea laman ng newsfeed ko.
😢😢😢

Aug 15

"When you gotta go, you gotta go." Kahit ano pa nakalagay dyan sa may pintuan.

Lahat naman ay nadadaan sa mahinahong paki-usapan at paliwanagan. Wag laging on the offense or defense, it's always better for people to seek the middle ground than treat everything as a battle or a war.

In the end we are all human beings living on borrowed time and space, and the only thing that matter is how much kindness, respect and understanding we've shown to our fellow human being.

No amount of LAW can ever force people to do that. Ang dami ko na nakitang sign na "Bawal Tumawid Dito" na tinatawiran. Change has to start from the heart.

Be Kind. Be Respectful. Be always ready to understand.

Hanggang dito na lang. Mag CR muna ko. 😊

Aug 29

"Plant your feet and stand your ground!" My battle mantra inside the MRT

Aug 31

Biggest WTF of the week!

Kung di pa nabunyag yun kay Mayor Sanchez, di pa malalaman na napakarami na palang convicted Drug Lords, Kidnap-for-Ransom masterminds at perpetrators ng heinous crimes ang napalaya na!?

BuCor magsipag-resign na kayo!  #PeraPeraLang

Comments