Relax Lang.
If there is NO solution, then there's NO problem.
***
Kahit ibaba mo pa yan ng 1 year old at kasuhan mo ng plunder, kung mayaman at maimpluwensya ang pamilya.. laya pa din yan. Di ba Madam Speaker-President? Mister Mayor? Mga Sirs sa Senado at Congress? 😉
Wala po kasi sa edad yan. Nasa Sistema. Magdadagdag ka pa ng mga ikukulong e di mo na nga mapagkasya sa kulungan yun mga nakakulong ngayon? Bawiin n'yo muna Spratly para may extra space. Lab Yu. 😘😂
***
"BATO" could have been one of the greatest local action films ever, if it was a story about Darna's sidekick 🤘
***
After mag "mainstream" ng MaxiMango nawala na din ata appeal n'ya sa masa. Dati kasi OA ang haba ng pila pero ngayon mas mahaba na ulit ang pila sa Coco. Parang bigla nila na-realize na kung may kutsara, blender at imagination - kaya naman pala gawin sa bahay lang. 😜😁🤘
***
Siguro pag medyo gumagabi na pwede na natin luwagan yun "Keep Right" rule sa escalators. Humahaba na pila sa Kanan tapos walang katao-tao dun sa Kaliwa. Puro pagod na e, ayaw na magsipaglakad. Suggestion lang naman. 😁🤘
***
So nangyari na ba sa inyo to while taking a shower?
Pagtaktak mo ng shampoo na akala mo ay paubos na at sasairin mo na lang e hinaluan na pala ng tubig at ayun magkakalat ka sa buong banyo. 😂
I know that it's a Pinoy thing but I really don't understand the concept behind this. Di naman s'ya concentrate bat kelangan haluan ng tubig - dishwashing liquid ba to, paramihan ng ulo na mahuhugasan? 😁
Pwede rin kaya yan style na yan sa Cheez Whiz at Peanut Butter? 🤔
***
Mabuhay ang mga uto-uto!
Kung wala sila paano na pangkabuhayan ng mga pulitiko? 😜😂🤘
***
Uso po ba yun BACKpack na nakasuot sa FRONT? Ang dami ko kasi nakasalubong sa Cubao.
🤔
***
Ang babaw daw ng kaligayahan ng mga bata ngayon - makakuha ng maraming 💜s at 👍s sa posts jackpot na.
Pero tingin ko mas mababaw ata kami noon, maka-tambay lang hanggang madaling araw na di pinapauwi ng mga nanay jackpot na! 😁 Tapos bukas eto sasalubong sa yo pag gising mo ng tanghali 😠😡👊
***
Marami talagang taong EWAN.
Tulad ni ATE na sinusundan ko pa LRT, kung makatapon ng kalat wagas, e samantalang kalalagpas lang namin sa isang hilerang trash receptacles (basurahan na sosyal).
Yan ang hirap pag may taga linis e, wala na disiplina. Tapon lang ng tapon kasi may mga naglilinis naman daw ng kalsada.
Ibabalik ko sana kalat nya kaso naka-marathon mode si Ate - so tama, may naglilinis nga... at ako yun kanina. 😳😳😳😩
***
Kung ang e-Jeepney itsurang bus.
Ang e-bus kaya itsurang Jeep?
***
Napag-isip-isip ko lang: Kung pulitiko ka at tumatakbo sa eleksyon, parang mas "advantage" ata yun meron kang kaso ng pagnanakaw? Mas madami ninakaw mas malaki chances mo? At kung nakulong ka dahil dito, sure na sure ka na talaga na mananalo!
Ang weird ng preferences ng mga botanteng Pinoy. 👍😁✌😘
***
TOTOO KAYA? Nag loan pa tayo ng P20 billion sa China so China could SPY on us through the DILG-Huawei CCTV project? 🤔
***
Ang TANGA mo na siguro kung alam mo na SINUNGALING e boboto mo pa! ANG TANGA TANGA MO NA TALAGA (All Caps Para Ramdam ng Kaluluwa)! OO TANGA KA!
Sa kumpanya, number 1 requirement po yan! ANG TANGA TANGA MO SIGURO kung alam mo na nagsisinungaling na SA YO e tatanggapin mo pa! OO TANGA KA! Ngayong tanghali na to at magpakailanman!
***
Pag ganito katindi ang init yun mga millennials gusto mag beach, yun mga Tito at Tita.. naglalaba.
Comments
Post a Comment