What the Rain Wrote in July 2019

Isko is cleaning up the streets of Manila. Again, here's hoping that this wouldn't be just "Ningas Kugon"


July 7

It's their words against our fishermen... who, at the very start didn't have the full support of this government.

It's really a one-sided investigation plus no third-party investigator was allowed?

And that is the reason WHY these poor fishermen will probably take all the blame and we, the Filipino people will never know the "real" truth.

July 13

Eto sign na LUMALALA water crisis natin:

Announcement Sa Barangay: Simula po sa Lunes mawawalan tayo ng tubig mula 4pm hanggang 8am na.

(Dati 4pm hanggang 6am lang)

Sana umulan ng malakas... tapos naka-concentrate lang sa Angat Dam. 🙏👍

July 15

2 BIRDS 1 STONE:

May two perennial problem ang Manila, illegally parked vehicles and unruly street kids (and adults) that constantly refuses to be housed in social welfare environments.

Bakit di natin bigyan ng piso ang mga street dwellers na to na pwede nila i pang gasgas sa mga illegally parked vehicles. Ireklamo nila ang isa't-isa. Let them cancel each other out - matira ang matibay. Matatakot na mag park sa kalsada yun mga di kotse pero walang garahe tapos malalagay sa institution ang mga batang kalsada. 😁😂🤘

Suggestion lang naman. Parang Win-Win naman yun di ba? 😝

July 17

Di ko na kelangan yan face app na yan, I already look old. What I need are more collagen and anti-oxidants 😂

July 18

MORNING PRAYER

Dear GOD,

We have a new breed of action mayors na idol ng mga kabataan. Sana po ay wag sila lamunin ng sistema gaya ng mga nauna sa kanila bagkus maging instrumento sila upang mabago eto. For the first time in a very long time, we've tasted real counter-culture leadership stripped of all the bad politics, one that this country sorely need. Leaders that are worth following. Guide them and give them strength. 🙏

Amen

July 19

Will give a talk about Leadership, Initiative and Volunteerism tomorrow.

Pwede ko ba gawin example yun mga olats na events as examples of volunteerism? Parang volunteer ka na rin naman nun di ba?... di mo nga lang alam. After ng event pa. 😁🤘✌😂

July 22

SHARE KO LANG

Sa latest tagalized episode ng Naruto Shippuden sa YEY, tinanong ng Bijuu si Gaara kung kaibigan siya ni Naruto, kasunod nun ay walang katapusang flashback, tapos ang ending sasabihin lang pala ni Gaara, "Oo, siya ang aking unang kaibigan." 😅😅😅

Ganito yun mga kinakainisan natin sa mga telenobela pero dahil Naruto to - keri na! 😁🤘

July 25

Sa tagal ko na nagco-commute nababasa ko na isip ng mga nagnenegosyo sa kalsada.

Halimbawa, kanina sa Tricycle. Ang fare ay 10 pesos. Inabot ko ay 20 mabilis naman na kinuha ni manong pero yun pagbalik ng sukli matagal. Eto ang marahil pumasok sa isip nya:
  1. Alam kaya ng mokong na to na 10 ang pasahe? Sana hindi
  2. Ano kaya sasabihin ko, wala akong barya o tumaas na pasahe
  3. Baka pag dinedma ko di na kunin yun sukli. Yun kunyari may inaalala ako na nakalimutan ko.

Malas nya kasi, nag-antay talaga ko sa harap ng tricycle hanggang sa maabot ang sukli para walang kawala. 10 din yun a, hirap kitain yan sa mga events. 😆😁✌🤘😅

*****

Kung ang LAHAT ay mapagbigay, walang mag-aaway 👍

*****

One of the things that I look forward to when riding the LRT is the Oishi Crispy Patata commercial of Alex Gonzaga 😋😆

Comments