What the Rain Wrote in October 2019

Nasa point ako ng buhay ko ngayon na I consider covering events as fund-raising activities kasi napakamahal po mag Grab so combine ko na ang "baka naman", "please lang" at "bahala na po kayo sa kin Lord" 😂🤘


Oct 3

Ang LRT pala parang showbiz events din.

Sabi kasi may "slight technical problem and will be delayed by 9 minutes" pero elow 20 na wala pa din.

Sa events kasi kadalasan yun "we'll start in 5 minutes" parang mga 30 minutes pa yun e.

Oct 7

SO KELAN MANGYAYARI ANG BUSINESS CLASS NA TRAIN, SA YEAR 3000?

Eto hirap sa mga taga-gobyerno na hindi marunong mag-commute e. Bigyan kita 3 reasons bakit di mangyayari to sa buhay natin ngayon.

☝️ Ang MRT ang pinakamabagal na tren sa buong universe!

☝️ Na try nyo na ba sumakay sa Cubao-Farmers station southbound o Ayala station northbound during rush hours?

☝️ Sirang riles, kulang ang tren, mabahong CR, at di gumaganang mga escalator at elevator.

Di mo na nga ma-improve serbisyo ng MRT at mapagkasya ang mga pobreng mananakay, maglalagay ka pa ng special treatment para sa mga mapepera? Di yan magiging solusyon sa trapik sa EDSA at lalo mo lang pagmumukhang kawawa ang mga nagkakalbaryo araw-araw sa lintik na MRT na yan.

Oct 10

Pag may tiyaga may nilaga! Pero ang totoo tyamba lang. 😆

Grab to BGC is 500+ Pesos due to high demand daw, so syempre never mind.

After 5 mins, I checked again... 303 Pesos na lang. - BOOKED! 😆😆😆

Oct 11

Mas matindi commute challenge ko kay pareng Sal kasi ako mula greenhills nag BUS, nag TRICYCLE at nag JEEP - one hour lang hanggang makarating ako sa Paco, 1 hour lang on a Friday night pero naka NAMETAG 😒😒😒

Oct 13

Buti pa tong mga squatter este "informal settlers" dito sa Avenida puro naka Cignal

Oct 19

Parang gusto ko na lang ng 8-5 na job, yun tapos ang trabaho pag tapos ang oras gaya ng messenger o janitor - meron pa bang ganun? Ayaw ko na mag-isip! 😒

*****

"Parang isang kandila na nagdadala ng ilaw at liwanag... Nauubos rin sa magdamag." - APO has the most meaningful songs

Comments