Halos linggo-linggo may mga bagong proclamations, executive orders (e.o.), republic acts (r.a.), house bills and resolutions tayong naririnig.
Sangkatutak na mga bagong batas ang ipinapasa sa kongreso, sa tingin ko karamihan naman dito ay kailangan talaga natin, pero ang tanong, sa dinami-dami ng mga panukalang ito.... napapatupad nga ba?
Noong nakaraan taon, ipinasa ang batas na nagbabawal sa mga drivers na gumamit ng telepono habang nagmamaneho - kumusta naman ang pagpapatupad nito?
Kahapon lang, may mga nakita ako na mga nagmamaneho habang may kausap sa telepono. Yun ilang mga driver ng Jeepney sa Paco, may mga ka-text habang nagda-drive kahit pa may makasalubong na pulis. Hindi naman kasi sila sinisita.
Alam kaya nila ang tungkol sa batas na ito?
Alam n'yo rin ba na ipinasa na rin noong nakaraaang taon ang Anti-Age Discrimination Law?
Sino ba ang mga nagbabantay dito?
Ilan lang yan sa mga batas na naipasa, na parang wala namang kinahantungan dahil wala namang sapat na kakayahan o kasiglahan na ipatupad ng mabuti.
Tapos ngayong taon, meron na namang mga bagong inilalabas. Matunog na matunog ngayon ang pag apruba ng congress sa Vanity Tax at pati na rin ang mahigpit na pagbabawal sa 5:6 na pautang.
Nakakalungkot isipin na napakaraming magagandang batas o ordinansa ang mga naipasa ng ilan sa matatalino nating mga mambabatas ngunit napunta lang sa wala dahil hindi naman ito seryosong ipinapatupad.
Gaya na nga ng naimungkahi noon pa man, bakit hindi muna bigyan ng pansin at tyaga na ipatupad ng maayos ang ilan sa mga simpleng batas na nagawa na bago tayo gumawa ng gumawa na naman ng mga bagong batas.
Ang problema kasi sa mga nasa gobyerno, inuuna muna ang mga sariling agenda bago ang bayan.
Republic Act 9211 (No Smoking in Public Areas) - Nawala na po ba ang mga naninigarilyo sa mga pang publikong lugar? Halos araw-araw ako nakakakita ng mga Jeepney driver na naninigarilyo habang bumibyahe. Wala namang nanghuhuli. Noong una lang sila masigasig. Pag ordinaryong mamamayan ang sisita, sasabihin lang ng driver na lumipat siya ng ibang sasakyan kung ayaw mausukan. Ano nangyari sa batas mo congressman?
MMDA Regulation No. 96-009 (Anti-Littering Law) - Ayos lang kayo? E kahit nga mga pulis at MMDA officials kung san-san lang nagtatapon ng mga balat na kendi nila. Kanina may isang grupo ng mga estudyante na umiinom ng samalamig at basta lang itinapon sa kalsada ang mga plastic cups nila kung saan sila naguumpukan - sa tapat mismo ng istasyon ng pulis sa may EAC. Wala naman pumansin at nagbawal.
Naglakas loob ako magtanong, ang sabi ng mga tambay, winawalis naman daw yun pagkatapos ng mga vendors, kasi sila ang may sagot na noon.
Pero hindi yun ang point, so ibig sabihin, okay lang na magtapon sa kalsada ng mga kalat kasi may mga nagwawalis naman? Anong klaseng pag-didisiplina ang binibigay natin sa ating mga kabataan? Tinuturuan natin silang maging tamad at walang pakialam sa kapaligiran. Kasi ganun din ang mga taong dapat nagpapatupad sa batas na iyan.
Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code) - Basahin nyo ang act na ito at matatawa kayo dahil siguro halos 1/3 ng mga nakasulat dito ay hindi nasusunod. Mula sa requirements para sa registration of motor vehicles hanggang sa Traffic Rules. Bigyan ko kayo ng example sa Section 52.
Sangkatutak na mga bagong batas ang ipinapasa sa kongreso, sa tingin ko karamihan naman dito ay kailangan talaga natin, pero ang tanong, sa dinami-dami ng mga panukalang ito.... napapatupad nga ba?
Noong nakaraan taon, ipinasa ang batas na nagbabawal sa mga drivers na gumamit ng telepono habang nagmamaneho - kumusta naman ang pagpapatupad nito?
Kahapon lang, may mga nakita ako na mga nagmamaneho habang may kausap sa telepono. Yun ilang mga driver ng Jeepney sa Paco, may mga ka-text habang nagda-drive kahit pa may makasalubong na pulis. Hindi naman kasi sila sinisita.
Alam kaya nila ang tungkol sa batas na ito?
Alam n'yo rin ba na ipinasa na rin noong nakaraaang taon ang Anti-Age Discrimination Law?
"An act prohibiting discrimination against any individual in employment on account of age"Kumusta naman ang pag-aaply sa trabaho? Di po ba't uso pa din ang tinatawag na "age limit" sa karamihan ng mga trabaho? Of course, di mo sya mababasa sa mga classified jobs listings pero pag nag-apply ka na - ang kawawang aplikante na naglagay ng edad o birth date sa kanyang resume, auomatically screened-out na sa list pag di pumasa sa age requirements nila. Syempre di nila aaminin at sasabihin ito.
Sino ba ang mga nagbabantay dito?
Ilan lang yan sa mga batas na naipasa, na parang wala namang kinahantungan dahil wala namang sapat na kakayahan o kasiglahan na ipatupad ng mabuti.
Tapos ngayong taon, meron na namang mga bagong inilalabas. Matunog na matunog ngayon ang pag apruba ng congress sa Vanity Tax at pati na rin ang mahigpit na pagbabawal sa 5:6 na pautang.
Nakakalungkot isipin na napakaraming magagandang batas o ordinansa ang mga naipasa ng ilan sa matatalino nating mga mambabatas ngunit napunta lang sa wala dahil hindi naman ito seryosong ipinapatupad.
Gaya na nga ng naimungkahi noon pa man, bakit hindi muna bigyan ng pansin at tyaga na ipatupad ng maayos ang ilan sa mga simpleng batas na nagawa na bago tayo gumawa ng gumawa na naman ng mga bagong batas.
Ang problema kasi sa mga nasa gobyerno, inuuna muna ang mga sariling agenda bago ang bayan.
- SA MGA GUMAGAWA NG BATAS: Gagawa ng gagawa ng batas hindi dahil kailangan ng bayan, kundi dahil para mailagay sa pangalan o maidagdag ika-nga sa kanilang credentials. Para nga naman sikat. Gawain din yan sa corporate, maganda na ang sistema, babaguhin pa, para lang masabi na meron siyang nagawa. Isang uri ng pagbubuhat ng sariling upuan.
- SA MGA DAPAT MAGPATUPAD NG BATAS: Pag hindi mapagkakakitaan, dedma! Pag may perang makukulimbat sa batas, kahit mahirap naguunahan pa!
Sayang ang mga pinag-aambag ambagan ng mga Pilipino para ipang sweldo sa mga taong katulad nito!
Para malinaw, WALA PONG PROBLEMA SA BATAS. Ang problema ay kung ito ay napapatupad ng maayos.
Simple lang ang basehan ko kung epektibo ang makinarya ng gobyerno na nagpapatupad ng batas. Tignan natin ang mga naunang mga simpleng batas kung ito ay may kinahantungan.
MMDA Regulation No. 96-009 (Anti-Littering Law) - Ayos lang kayo? E kahit nga mga pulis at MMDA officials kung san-san lang nagtatapon ng mga balat na kendi nila. Kanina may isang grupo ng mga estudyante na umiinom ng samalamig at basta lang itinapon sa kalsada ang mga plastic cups nila kung saan sila naguumpukan - sa tapat mismo ng istasyon ng pulis sa may EAC. Wala naman pumansin at nagbawal.
Naglakas loob ako magtanong, ang sabi ng mga tambay, winawalis naman daw yun pagkatapos ng mga vendors, kasi sila ang may sagot na noon.
Pero hindi yun ang point, so ibig sabihin, okay lang na magtapon sa kalsada ng mga kalat kasi may mga nagwawalis naman? Anong klaseng pag-didisiplina ang binibigay natin sa ating mga kabataan? Tinuturuan natin silang maging tamad at walang pakialam sa kapaligiran. Kasi ganun din ang mga taong dapat nagpapatupad sa batas na iyan.
Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code) - Basahin nyo ang act na ito at matatawa kayo dahil siguro halos 1/3 ng mga nakasulat dito ay hindi nasusunod. Mula sa requirements para sa registration of motor vehicles hanggang sa Traffic Rules. Bigyan ko kayo ng example sa Section 52.
SECTION 52. Driving or Parking on Sidewalk. – No person shall drive or park a motor vehicle upon or along any sidewalk, path or alley not intended for vehicular traffic or parking.
Isa sa mga sanhi ng pagkakabuhol-buhol ng traffic ay ang mga sandamakmak na sasakyan na naka-park sa mga kalsada - mga lugar na "not intended for parking." Bakit kaya hindi ito naipapatupad mga kagawad?
Mga simpleng batas at ordinansa tulad ng pagbabawal sa pag-dumi, pag-ihi, pag-dura at pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar. Nagagawa ba? Paki-amoy nga po ang carriedo pag dating ng hapon?

E kung yun mga simple hindi nagagawa, paano pa ang mga kumplikadong mga batas? Tapos nagtataka tayo kung bakit kahit may mga batas na patungkol sa pandarambong, panloloko o pagnanakaw sa kaban ng bayan ay nagagawa pa rin maka-lusot sa kulungan ang mga naakusahan tapos nakaka-takbo pa ulit at nananalo sa eleksyon!
Napakarami siguro talagang mga nagtatanga-tangahan gamit ang mga batas dito sa bayan ni Juan.
Comments
Post a Comment