Mga Kwento Ng Ulan | Unang Linggo Ng Hunyo

Mabagal ang simula ng Hunyo para sa akin... pero okay lang kasi parang isang linggong pahinga matapos ang napaka-maligalig na huling linggo ng Mayo.  Pitong halos sabay-sabaw na mga lakad pati na rin ang simula ng pagpapagamot ng mata ng aking nanay.

Pero lima din pala ang naging lakad ko ng nakaraang linggo.

Dumalo ako sa pasinaya ng 'The Party Kitchen' ng Romulo Food Group.  Ito rin ang unang pagkakataong nakapunta ako sa 'Spotlight Events Place' na nasa Pasong Tamo malapit sa Alphaland.
The Party Kitchen
Dumalo din ako sa dalawang magkaibang 'Presscon' ng TV5 para sa mga palabas na 'Wattpad Presents: Secretly In Love With a Gangster' kung saan nakilala ko si Chanel Morales at ang kakaibang pagtitipon para sa unang paglabas ni Tak Gu sa palabas na 'Baker King' kung saan ginagampanan eto ng papasikat na aktor na si Mark Neumann.
Chanel Morales
Ginawa ang 'Presscon' ni Mark Neumann sa 'Kamuning Bakery' at dito ay nagpakitang gilas ang aktor sa paggawa ng Pandesal.
Mark Neumann
Eto rin ang unang pagkakataon ko na nakapunta at nakakain sa Kamuning Bakery.  Lagi ko itong dinadaanan subalit noong nakaraang liggo ko pa lang ito napuntahan.

Noong biyernes naman ay sumaglit ako sa Robinsons Place Ermita upang makibahagi sa pagbubukas ng 'RCBC Life & Style Expo.'  Dito ay nakita ko ulit si MJ Lastimosa na siyang nanalo na Bb Pilipinas noong nakaraang taon.
RCBC Life & Style Expo
Maliban sa mga kaganapang eto. Noong nakaraang linggo din ay ipinagdiwang ng aking panganay ang kanyang ika-16 na kaarawan noong June 5. Kasunod naman nito ay ang kaarawan ng aking asawa noong June 6.

Nalaman ko din na mas masarap pala ang Brazo de Mercedes ng Red Ribbon kaysa Goldilocks.  Maraming pagkain na hanggang ngayon ay inuubos pa rin sa bahay.  Tumaba na naman ako tuloy.

Medyo 'busy' din pala ang nakaraang linggo.  Kala ko ay pahinga, hindi naman pala.

Para sa mga karagdagang kwento i-click lamang ang mga larawan.

Comments