ANG MAMATAY NANG DAHIL SA YO

Ang mamatay nang dahil sa 'yo.

Ang totoo ay di ko PA kayang kantahin ito nang may buong paninindigan. Kaya naman lubos ang aking paghanga sa milyon-milyong Pilipino na pinapakita ang kanilang TAPANG at MALASAKIT para sa bayan sa pamamagitan ng FB at TWITTER. 

Ipagdarasal ko po ang inyong matagumpay na pag JETSKI papuntang Spratly habang bitbit ang ating bandila.

Kelan po ba ang schedule?


*****

SEN. SOTTO proposed the changing of a line in the National Anthem. After receiving a lot of NEGATIVE feedbacks from netizens - the senator is said to have abandoned the idea.

LABAN! LABAN! BAWI! BAWI! Get Get Awwwwww!


*****

May ilang netizen ang pumayag na baguhin ang last line ng Lupang Hinirang pero eto ang kanilang mungkahing ipalit, Imbes na "Ang mamatay nang dahil sa 'yo" ay:

"May nagpakamatay nang dahil sa yo"

At tumigil ang pag-ikot ng mundo.


*****

Ang daming nagsasabi na gumanda ang buhay sa Pilipinas no'ng panahon ng Martial Law. 80% nung mga nagsabi ay di inabot ang panahon ng Martial Law. Yun natitirang 20% ay mga kamag-anak ng mga cronies o wala sa Pilipinas ng mga panahon na yun. :)


*****

Sabi ni Enrile wala daw napatay o nakulong noong panahon ng Martial Law. "Name me one person who was arrested simply because they criticized President Marcos, " Enrile said.

At sumagot ang mga kamag-anak ng mga biktima at ilan sa mga biktima sa pamamagitan ng PUTANG INA! :)

Teka ilan taon na ba si Enrile - mag 100 na ata si Tatang di ba? Baka nag-uulianin na! Si Enrile ang Arkitekto ng Martial Law - wala pong arkitekto na magsasabi na ang dahilan kung bakit gumuho ang gusali ay dahil pangit ang pagkaka-desenyo nya.


*****

Napakarami namang PROPAGANDA sa Pilipinas ngayon. Hindi na lang kasi tugunan ang mga problema ng maayos kailangan pa talagang mamulitika muna?

Amoy na Amoy ko na ang ELEKSYON!

Comments