Tuesday, September 4, 2018

WAG PASAWAY SA KALSADA

MINSAN mabilis talaga ang Karma (or whatever you call it) sa mga gago sa kalsada.

A few minutes ago, habang naglalakad ako sa Gen. Luna pauwi ng Paco may humaharurot na motorsiklo na pumina sa kin sabay sigaw nung driver sa tenga ko ng "HOY" na parang nag-titrip. Feeling nya e magugulat nya ko, kaso lobat na ko so di na rin nagana adrenaline ko kaya dedma lang.

So dere-derecho sya at may palingon pa na nalalaman e INTERSECTION yun ng San Marcelino at Faura, ayun may SUV na galing sa kaliwa at nasalpok sya AS IN tumilapon sya sa bike nya.

Buhay pa naman sya, i ika-ika mag lakad. Tahimik sya kasi alam nya na siya ang may kasalanan. Natawa rin ako ng slight and balak ko sana kunan ng photo kaso wag na, di pati maganda camera ko sa low light. 😀

So, sa mga ma-angas dyan sa sasakyan - Drive Responsibly lang naman at wag pasaway.

No comments:

Post a Comment