Minsan Kailangan Mo Mapahiya Para Matuto Ka

May GOODNEWS para sa driver ng nasakyan kong jeepney kanina.

EKSENA

Nakasakay na ba kayo ng jeep na yun driver ay may napakaraming RUDE side comments sa mga pasahero - di sumakay at sumakay? Well, yun yong nasakyan ko kanina.

So si manong mema at napaka negative ng aura. Nakaka-stress talaga.

Sa may bandang Immaculate Conception sa Cubao, may pumara na babae. Pero bago sumakay, nagtanong muna sa driver.

"Cubao po, manong?"

"Oo, Arayat, palengke," sagot ng driver na may halong sungit.

Habang sumasakay ang babae, as expected, may pa side comment na naman yun driver.

"Cubao na nga to e, tinatanong pa."

E narinig nung babaeng pasahero, so sinagot n'ya yun driver habang papaupo.

"Sorry ho, di ko nga ho alam e kaya nga ko nagtanong sa inyo e."

Ramdam na Ramdam ko ang HIYA mula sa driver's seat. Kulang na lang e sumigaw ako ng BOOM at BUSTED!

Well to cut the long story (and trip) short, TAHIMIK na si manong driver the whole trip at may libre pang pa-announce kung nasaang kanto na yun jeep.

WE all need to LEARN from events like these so that just like Manong Driver, we could be reminded to always be kind and to strive to become a better person everyday.

That's the reason why I am sharing this.

Minsan Kailangan Mo Mapahiya Para Matuto Ka

Comments